wotertri

(tri-4ths opdi earth’s surface is woter)

Lubog katawan Di lang talampakan

Ang OA (over-artistahin) talaga…

——————————————————————————————————————————————

Iba ito kumpara sa last times na DI ko feel ang mood na maligo dahil sa kasu-syuting at kasa-sight-seeing. (All seven photos, in QUIRINO)

Lulan bangka?
Pag malalim ang tubeg, DI ka pede maglakad lalo na kung lagpas-tao or else ur head wilbe underwoter… Sakay ka ng bangka!

FLASHBACKS ng past woter escapades:

— Last year (2016 Mar 12) Linakad namin ang hanggang-tuhod kong lalim na ilog sa Ilagan para marating ang Pinzal Falls ng Victoria.
— Jan 8 (2017) Namangka sa Pinacanauan River sa Callao Peñaranda, at nasaksihan ang paglabas ng sanrekwang paniki sa kanlang kuweba.
— Feb 12-13 (2017) Bangka ule (may katig) sa dagat ng Palauig upang duon nag-overnight sa isla ng Magalawa.

Lusot kuweba…
Nasa kabila ng malalim na ilog ang kuweba kaya namangka muna kami nang konti at nag-docked sa may entrada.

Ageyn, some SPLASH-backs:

— Lapit-lapit lang ang three ismol caves duon sa Victoria na pede palang hindi na lulusong sa ilog para makapunta.
— 184 steps climb to Callao caves. Sakay naman ng bangka sa alalim na ilog sa ibaba papunta sa kweba ng billions of bats.

Lublob tubeg!
At last, naharap ko maligo (Me dala ako pambasa). Ayaw lumusong ni misis kaya may pinag-iwanan ako ng aking mga pampikyur (iPad/iPhone/dSLR).

“Gabon” (Bakit walang-ligo STROKE-backs):

— Dumating kami sa Victoria nang mid-afternoon, inunang i-trek ang ilog patungo sa talon.
— Wala akong napansing pedeng swimmingan sa Callao na di over-lalim, na-engrossed me kasi sa river-cruising.
— Jan 9 (2017) DI ko ito binanggit sa itaas (No boating, no caving). But-teknote: Super-clear ang woter ng Magoli sa Tumauini!
— Tho I believe na healthful ang maglunoy sa sea-woter, hindi ko nagawa kase tinatamad akong magbanlaw. Nakuntentong maglakad sa puting buhangin at magbabad ng sakong sa baybayin ng Isla Magalawa.

Balik tayo dito sa Maddela… Anoder freshwoter river: Wala na banlaw-banlaw pag-ahon.


Woter-escapading then and now, sumari:

Boating Caving Apak-sand Teka-bath
Pinzal
Callao
Magoli
Magalawa
Maddela

Q: Alin ang kewl puntahan at pagliguan? A: All of the above.

——————————————————————————————————————————————

Dinamihan ko pikyurs dito sa blog post.
Hindi mo kasi kita lahat pag di tayo fb-friends maski CLICK mo ➟ dito.

Published in: on 22 April 2017 at 3:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , ,

gunaw

Daming hula. Sablay lahat.

——————————————————————————————————————————————

For verily I say unto you, Till heaven and earth pass, one jot or one tittle shall in no wise pass from the law, till all be fulfilled.” (Matthew 5:18)

Published in: on 22 April 2016 at 3:00 pm  Leave a Comment  
Tags:

hober

(1-mant apter dey-woter)

katapulted tu zero-grabeti…

Hohober-hober

onbord an oterspace-helipakter.

Sa 4th floor ako inabot ng Ortdey

Published in: on 22 April 2015 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags:

sangort

Pamilyar ba kayo sa internet-apelkeyts
na Gogel-ort?

Bukod sa wifi, ang isang feature ng istet-opdi-art mobile-devices na biling-bile ko ay yung global positioning system (GPS).

————————————————————————————————

flushing-bak (sang CLICK mo dito)

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 22 April 2014 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , ,

tsu-beg

(antidowt sa tsu-yot )

Ayon sa konti kong natutunan sa Geology,
Tari-ports (75%) ng ating planet’s surface ay toobig.

————————————————————————————————

It doesn’t follow na komo marami tubig sa paligid mo (lumangoy ka pa!) e hindi ka na matutuyot. Consider mo ‘to:

1.Saltwater. Pag naistranded ka sa gitna ng dagat, hindi ka pede uminom ng seawoter pag uhaw ka (pwera na lang kung… ika’y — isang sirena! ♫ ). Mapapadali ang pagkatsugi mo dahil lalu kang madedehydrate
Yuv got to beliv me: inaral ko yan sa mordan 30 yirs ko nang personal na pagrereserts about survival, o ha?

2.Freshwater. Ang batis, ilog, sapa, lawa, (at swimming pool ← dyok lang) ay ilang eksampol ng freskong woter inland. “Tubig-tabang” eka sa tagalog, derpor hindi maalat.
How “fresh” are our freshwoters? Wala kayang butete? O kaya yung lulutang-lutang na yellow-submarine (ebs)? 😯 Wag ka basta iinom dyan, baka hindi kayanin ng iyong kidneys — kahit pa gaano ka-astig sa amoeba or e-kolai ang iyong sikmura.

Seryusli, click mo ito at basahin yung 1st stori. → 1’s not enough

Click HERE for mor woter.

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 22 April 2013 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , , , ,

eptutu

(April 22tutu part 2, tutuo na‘to )

Deryuar, the “real” superman →

(tho in reality e wala naman talagang tutuong superman)

Di ako makapaniwala sa pagpatol ng ilan sa doomsday perdiksyongs
na ang ating mundo ay magugunaw daw on the winter solstice of this year —
hulang ang isa sa mga pinagbatayan ay ang ancient Maya-kalendar.

↓ si Itay-maya (It’s a bird!)

Oops!

May kinalaman ba ako diy-an?

Hasyuswal, masigasig na naman sa pagpapahayag ang ilang mga kulto. May kilala pa akong nagsasabing ayaw sa Baguio dahil ang Cordillera daw ang unang tatamaan sa Pilipinas 😯 just in case… Nabalitaan siguro yung pagbaha-baha sa City Camp Lagoon at yung tungkol sa Crystal cave —
May “basin” pa kasi syang sinasabi.

Basin?

It’s a plane! … flying saucer! palanggana!?

Sabagay, dapat pa ba pagtakhan yan? Di nga ba’t halos ataranta din ang maraming earthlings non sa waY-TU-Ke Milenyong Bags?

Hindi-biru-biro ang rumor na new kaya b4 Ü umelibs, me xplain cla d2. ↑

Anu naman po ang kinalaman dito ni

It’s superman! ?

Galing si superman sa planet Kryptoingks, di ba? … Ayon sa istori, inebakweyt sya ng parents moments before magunaw ang kanilang planeta. Naiimagine ko lang: halimbawa nga kayang tutuong magugunaw ang mundo, saan kaya sya susunod na pupunta? May mauuwian pa kaya syang iba?
May ibang creatures pa kaya syang makakahunta?

Ay anubayan!?

Ang supermensu pa ni-problema!

————————————————————————————————

Superman TRIVIA:

Nagmamadali, kaya unang naisuot ni superman ang tights overall kesa underwear.

Hindi nitatablan, derpor *tutuuut!* si Superman. Pwera na lang kung ginamitan sya

ni Leks-Barber-Lutor ng kriptu-knife na labaha.

Aw, anubayan!? … Pero, types!

————————————————————————————————

Nabanggit rin lang ang NASA, fly out tayo from Earth for a different topic…

Awf, awf, & owey!

si Joker

[ a.k.a. “superDyowks” ]

PAGE 2: Istaronomi! (w/sam kapoyunuk-simetri)

PAGE 3: Bispokstûtu-èp-tûtu

Pages: 1 2 3

g-dey

Yelow, jelow, yey-hey!

Gud dey! It’s an Earth Fly-day!

Friday ng holy week = p‘rating “Good” every year…

Ang ating one-and-only planet = Hope she’s getting better every day.

————————————————————————————————

Byernes santo? 🙄

Mag-ingay tayo! 😆

Pages: 1 2

Published in: on 22 April 2011 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

break in

( Evac, dahebi-w8 )

Doray on the EVAC’s maiden voyage.

[ *EVAC = Extended Vacation Armored Carriage, nyahaha ]

Kung sakaling di nyo pa alam, ang EVAC ay ang proposed upgraded version ng transport box na ginamit ni Doray nuong bumiyahe sya papuntang Calamba.

[ Wüi, dito yÜ muna CLICK ▼ ]

Pages: 1 2

life support

( Lipat-lungga part 2 )

space-junk-thumb

“Bakal-bakal sa langit, tamaan pihong magagalit.”

(click thumbnail for bigger picture and author-website)

Kahit siguro sa elementari pa lang, itinuro na na among the planets and moons (satellites) of the solar system, Earth lang ang solong may kakayahang makapagsimula o mag-sustain ng life — livable, in short.

Kung posible man ang sinasabi ng mga siyentipiko na sa dinami-dami ng mga bituin (may kanya-kanyang ‘solar system’) sa kalawakan ay may mga planeta ring kawangis ng ating mundo, isang tirahan na maaari nating lipatan kung sakaling ang ating daigdig ay mag-comatose o maghingalo, w’eno ngayon?

Kalalayo… magkano kaya ang airfreight papunta ruon? Sa tagaaal na lang ng byahe, baka magka-space dementia pa, pagdating ruon ay malimutan mong earthling ka.

image copyright: http://science.nasa.gov/

See ol ewtdey powts

Published in: on 22 April 2009 at 11:00 am  Comments (3)  
Tags: ,

Lipat-lungga

DAgaIGDIG ko, akawntabol ako.

Sa mas pang-malawakang pananaw, pitong araw pa lang na nagsisimula ang tagsibol sa northern hemisphere (taliwas sa southern hemisphere, kung saan onset pa lang ng taglagas). Pero dito sa Pilipinas, ang papasok na Abril ay simula na ng tag-init o summer.

‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. Kaya naman maging ang limang kaHAMSTERan, Marso pa lang ay isa-isa nang nag-martsa pasilangan upang pansamantalang matakasan ang init na nararamdaman.

Eastward migration (Ikabod tower to Bebang Pension house) 😆

————————————————————————————————

The first five crossers and their ages, to date (26 Mar 2009) :

————————————————————————————————

Para kayang napakadaling lumipat, ano?

Naiinitan ka sa maghapon? Punta ka sa ilog or beach at magswimming ka… Kung kaya mo lang, mag-holiday ka sa Boracay o Palawan; kung hindi naman, magbakasyon ka sa mga kaibigan o kamag-anak sa Tagaytay o Baguio… Marami na ngang hindi lang ang taunang init ng panahon ang iniwasan kaya napilitan na rin lumipat na for good sa mas ‘malamig-lamig’ na bansa. Wala naman akong nakikitang kaso ruon kung talagang gusto o kailangan at kaya nila. 😉

Sana naman ay hindi dumating ang panahon na ang aking mga kadagaan ay mapilitang lumipat na sa planetang MAuRSe.

Eka ni Atmaus: “Ikaw, amo… may ‘malilipatan’ ka na ba?”

————————————————————————————————

Related posts: ewtdey-o-eyt

Sanrekwang tao, iisang mundo

Alam nyo ba yung Lumad ? — Sila yung mga indigenous pipol (ethnic minorities) sa Mindanao na non-Muslims, pero hindi rin naman Kristyano.

E yung “Bagong Lumad” ?

Neo-ethnic music naman ang unang maiisip mo…
Eto ‘sang sampol mula sa peborit kong album na “Mga Awit ng Tanod-Lupa.”

Pakinggan nyo na lang itong KANTA — pahabol ko sa kararaang post ko kahapon. 😉

Mundong araw

Tuluyan nang bumigay ang internal modem ng laptop namin. Buti na lang ngayon lang! Paano kaya kung nuon pang kasagsagan ng posting ko nasira ito? Laking problema ko siguro?

Kaya eto ako: para lang makapag-post uli dito sa blungga (blog na lungga) at makasilay sa blogosphere, kelangang lumabas uli ng kwarto, bumaba ng building, at maglakad ng may kalahating kilometro patungo sa isang medyo mura-murang internet café na malapit dito.

Kagabi pa sana ito, kasunod nung nakaraang post (How are my hammies?) na ipinaskel ko mula sa bahay ng isang kakilalang naka-SmartBro ang kompyuter (Thanks, Riza!), kaso mga 11:30 ng gabi naman na, mga antok na rin kaming pare-pareho. Eniwey, hindi rin naman ako maka-upload ng powerpoint para kumpletuhin ang link ko diyan sa ibaba (.ppt format ang hinahanap sa IE browser, .pps format ang file na dala ko). At least, nai-upload ko naman nang mas mabilis itong 46-minute YouTube video. 10 minutes lang? Ngayon ko lubusang napagtanto na super-baaaaaaaagal nga palang talaga ang naka-dial-up lang na connection.

By the way… alam nyo bang ang English word na hamster ay galing sa isang salita na naglalarawan ng peculiar ‘trait’ o katangian ng hayop na ito? May expandable na cheek pouches kasi ang mga hamsters. Para itong supot o ‘bulsa’ sa magkabilang pisngi nila – naiuunat na animo’y gomang lobo (rubber balloon) – at dito nila inilalagay nang minsanan ang mga pagkaing hinahakot nila para dalhin at iimbak sa kanya-kanyang haybol. Sa gayon, may makakain nga naman sila sa mga panahong hindi sila makalabas ng lungga. Watch the video to see what I mean. 😉

Wigwam. How many corn seeds can you count?

The word “hamster” was coined from the German word “hamstern” which means to hoard.”

Yes, hamsters are natural hoarders – but don’t you despise them for that! Hoarding is their God-given instinct to survive. Ahehe… ewan ko lang sa tao.

Naalala ko lang kasi mukhang nagkakausuhan na naman ang mga lintek na patago-tagong i-yan. Nabanggit ko nga nuon sa post na ito (Kahayupan ng Pilipino), nakaka-turn-off lang naman ang asal-hayop pag in-adapt na ng tao.

Huwag nyo akong tanungin kung tutuo ngang may shortage sa BIGAS; at kung meron nga, bakit nagkaganon – matagal na akong resigned. Kung ibig nyo, rumekta na kayo duon. Tiwala naman akong mas masasagot nila ang inyong mga tanong.

So much about rice-hoarding – masisira lang ang araw ko. Balik tayo sa blog ko…

Hirap palang matagal na hindi sumisilay sa blogandaming naipong spam. Tsk, tsk, tsk… ito ang maski hindi ka maghakot ay pagkarami-rami! Airline tickets, nude teens video, viagra… ahehe. Aanhin ko ba ang mga ire? Andali sana kung one click na “delete all” lang. Pero dapat isa-isahing ibaraws ang naka-kweweng (queue) 😆 mga comments. Ang concern ko lang naman ay yung ibang legitimate comments na napagkakamaliang salain ng akismet – baka mapasamang mabura automatically after 15 days. Nakakahiya naman sa commentor, baka akala minoderate ko.

Tagal na ring wala akong bagong upload sa Flickr; sa YouTube kagabi lang uli. Try ko ngang mag-sign-in sa yahoo mail account… How would you react kung may anonymous sender… na naman! Hindi naman ‘hate mail’ – hindi ko lang ma-gets yung “‘inakay’ na nambabanat” daw? Puzzle ito… hamo na nga.

Mundong araw… anlabo yata? Hindi… nakita ko kasi sa Nat Geo, Earth day daw ngayon? Oeditsige – “araw ng mundo.” Nasilip na rin lang e di makapag-post na din.

Earth yang graphics na nasa ibaba. Huwag nyo na ask kumbakit ganyan ang kulay – basta CLICK nyo na lang. This will prompt you to the powerpoint program (sorry about that, mukhang hindi na makapag-upload ng .pps format simula nung mag-upgrade ang WP dashboard). You have to press F5 to play the presentation.

NOTE (appended 2009 Nov 16) : Pwede na uli ang PPS format —

open nyo lang ang file pagka-download, aandar na sya mag-isa.

Pag nagkataon, may mabilang pa kayang binatog si Wigwam ko? At ang matunog na pagtawa, magagawa ko pa kaya?

Display all post with PPSBabay muna uli…