impromp-10

da-ninong

Nyay! “Hansome-ma” ba? Ahehe, ito po ang orig bersyon niyan. godfather

Paunawa tungkol sa pikyur

1. Hindi ito tag. Laru-laro, ‘ala lang magawa. 😆 Kaya di na kelangan pakatihin ang kritikong pag-iisip, huwag nang bigyan ng ibang twist.

2. Pasko kaya yang theme na yan ang biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko lang ang aking mga inaanak sa tunay na buhay.

3. Hindi pala bagay sa akin ang naka-amerkana? Mas mukha akong gangter (gagster) kaysa dun sa sindikato-lider na bida.

4. Tinanggal ko ang kamay na may kurus, baka ako’y mapagkamalang papet o galamay (tentacles) ng kung sinong amo. No way!

5. Hindi ko pinatay yang pusa, kahit pa ako’y mahiligin sa daga.

Paris nun minsan, nagrekwes uli ang mga daga ng mubi–poster: this time ng pinakahuling(?) tatay sa pamilya nila, kaya eto Obyus ba na kelangan i-cropped ang pusa?

“Impromp-Ten” Tag?

pindu-10 mo rito ◙ sambeses lang.

Published in: on 20 December 2008 at 10:00 pm  Comments (4)  
Tags: ,

impromptu

Tinanghali ako ng gising — pasado alas-nuwebe na yata… May naalala ako kaya diretso agad sa laptop. Punta ako sa website nya

Nyay! 😯 Pwede ba magmumog muna? O kaya magwinig ng mata?

“ ‘Indi pede! Impromptu nga eh!” 😆

Wala ako webcam, kunin ko muna digital cam ko ha? Wala akong babaguhin sa karakas ko, pramis yan.

. . .

O, eyan! 😳

Ahehe… nakabonete ako matulog, hindi ko na inalis. Buti na lang ‘ala ako muta, ‘ala din makita kayat ng panis na laway sa pisngi.

————————————————————————————————

TAG RULES:

1) Take a picture of yourself right NOW!

(Ngayon na! 😕 Huwag na humarap sa salamin!)

2) DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.

(Walang suklayan 😆 walang ayusan ng damit!)

3) Post that picture with NO editing. (Walang burahan ng tagyawat!)

4) Post these instruction with your picture.

5) Tag 10 people to do this.

i-KLIK mo rito ◙ ora mismo.

Published in: on 15 December 2008 at 10:48 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

Tulak

“Ay, cha-malamig, cha-malameg!!!”

Nung una kong makita ang pushcart na ito sa bahay ng anak-online ko, yan talaga ang unang salita na naisip ko… Tulak! Syempre, kariton e. Rolling store. Marami ngayon dito sa baba ng building, nagtitinda ng mani, popcorn, fishball o kikyam dahil magpapasko. Sey mo, may French fries pa na iba’t-iba ang kulay at lasa ng polbo!

Nang mapunta naman ako sa bahay ng inaanak-online ko at ni-tag nya ako, aba eh dito’y nagsimula na akong mapuyat sa pagmumuni-muni ng ganito:

Ano ga ang pumasok sa isip ng mga anak na are at ngayon pa nakaisip magtinda ng sa-malamig? Ka-ginaw ngayon a? Baka lalong sipunin at ubuhin ako! 🙄

Pero nung marealized ko yung sinabi ni anak-online na Vitamin C (expert syang alamin kung ano ang ibebenta dahil may tindahan sila ni mudang nya) at yung inaasam-asam ni inaanak-online na PSP, namulat ang isipan ko:

Lemonada is good for battling sipon at ubo, and selling such can help raise some money. Makatutulong ka na, makakaipon ka pa ng pambili ng PSP.”

Kaya payo ko sa mga may edad nang paris ko, parating pakinggan ang ideya ng mas nakababata… aush ba, mga anak? 😉 Pede naman di samahan ng yelo. Thank you, thank you eloiski sa tag! 😀

Kaya eyan… nagtulak na rin ako!

————————————————————————————————

Ang mga sumusunod na pagsasalaysay ay pawang kathang-isip lang.

Anumang pagkakahawig ng mga pangalan at lugar sa tunay na buhay

ay sadyang hindi sinasadya…

(Rated PGR)

← PUSH da RED BUTTON

Published in: on 5 December 2008 at 12:30 am  Comments (5)  
Tags: ,

TAGaan, the olrayt kind

Dalawa lang sa mga koleksyon ko. (For details, see my previous post)

Tsak! – Mas “may arrive” ang post na ito kung babasahin nyo muna ang sinundang post. CLICK this “Sigaw”

Salamat, my virtual inaanak – na-timing sa holiday ang TAG mo sa akin! 😛

Here’s the rule CLICK THIS for the tag.

Published in: on 24 August 2008 at 12:15 am  Comments (9)  
Tags: , ,

Bantay-BAGA tag

bente pesos

Hindi po ako nagkamali ng ispeling. Hindi po Bantay-BATA o Bantay-DAGA ang ibig kong tukuyin dito. You got it right — Bantay-BAGA. LUNGS. PULMON. (awoooooo!!!) tsk tsk tsk… ayan ka na naman. korni mo. Full moon yun!

May pinausong tag kasi si Repah na pinamagatang Think, don’t smoke.” At isa ako sa siyam na ni-TAG niya.

Okey… cool! Salamat, Repah! Hehe… Ako pa! Grade III pa lang ako nung una kong makasubok manigarilyo (syempre hindi alam ng nanay at tatay ko). Ang dahon de-papayang ekstrak na pang-kapreng tabako. :mrgreen:

Medyo mahaba uli itong post ko… Kung yung tag lang ang gusto nyong basahin e di sige — maikli lang yun, nandun sa baba.

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAGYOYOSI KO

Kung sa ngayon ay may papaya extract para sa malasutlang kutis nyo, nung henerasyon namin may pausok-bagang yari sa papaya. Dahil ang “yosi-yosihan” namin ng mga kararo ko, dinurog na tuyong dahong papaya na binalot sa dyaryo *ubo! ubo! uhuboooo!* …hindi na kami umulit dahil kami’y masuka-suka at nagka-liyo-liyo. Yan ang napapala ng mga batang walang magawa. 😳

Sumunod na yosi ko nung college na ko, and this started as sort of rebellion ko sa father ko, who died at age 46 due to cancer because of smoking. (Don’t worry about the rebellion — we both considered this as part of growing up, wala naman sa aming mga boys ang nagrebelde nang grabe). Ako lang ang naging habitual smoker sa aming magkakapatid, palibhasa mga health-conscious yung tatlong brothers koyung sumunod nga sa akin ay body-builder pa.

More than four years din akong naging chain-smoker, 2 packs of Philipp morris na walang filter. Mas mura kasi, kayang-kaya kong bumili mula sa scholarship allowance ko. 😆 …minsan nga may kasama pang patikim-tikim ng ‘damo’ (kaya yata nagka-baog-baog ako)… Tumigil lang akong manigarilyo nung maging gerpren ko na si misis… Kasi kawawa naman sya, magigi syang “passive smoker.”

By the way, uso pa ba itong “damo”? Naalala ko etong tino-tyonggi namin nun sa iskul grounds namin sa LB. Pag me sikyo, biglang tago ahehe. Ngayon ang naririnig kong uso e “bato” 🙄 Bukod sa singhot, pano ba tininira ito? Mukhang matigas e, hindi ba nakakabungi? Ahahuy! — daig mo pa siguro ang pumangal ng tubo!

Teka muna, bago tayo tuluyang magka-bangag-bangag…

Matagal nang tapos yung benteng tag a? Bakit nga pala may BENTE PESOS dyan sa itaas? 🙄 Aanhin ko ba yan?

Ahehe… sempre kasi nandyan si President Quezon… Hindi ba namatay sya sa tuberculosis (TB)?Kaya nga “Quezon Institute” ang ipinangalan dun sa retokehan ng BAGA sa E. Rodriguez sa Quezon City.

At eto pa, maalala ko: yung tabako de papaya na niroroling-roling paper namin nuon, matagal na palang nauso? Nung panahon ng Hapon (1943), malapit nang mamatay si Quezon. Eto o, i-quote ko na lang…

Mahaba pa yosi mo… tapusin mo na post ko! KLIK MO TO!

Published in: on 16 January 2008 at 12:00 am  Comments (26)  
Tags: , , , , , ,

Ang pito-pito at abakadabra ni homebodyhubby

Nangaluluwa ako sa blog ni Kengkay nung undas, ayun ni-tag tuloy ako… yari ako. (sabi ko na, sana nagpunta na lang akong sentemeryo hehehe.)

Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

The 7 Facts about Robert (homebodyhubby):

1. ipinaglihi ako ng nanay ko kay Leonardo ‘da Bingchi’, kaya may pagka-artistic ako. artistic, sa tagalog ‘maarte’.

2. metikuloso ako at perpeksyonista dahil naniniwala akong ang perpeksyon ay kung ano ang abot-kaya mong gawin.

3. pag nasa katwiran talagang lumalaban, maski magkahambalusan.

4. madaling kausapin huwag lang kukulit-kulitin.

5. may takot sa Diyos …at kay misis (love ko kasi eh).

6. imbyerna sa mga plastic at masyadong magpa-glamour. dun sa mga ipokrito at mapagmataas na hindi marunong makinig kapag nakikipag-usap dahil ang parating iniintindi ay yung susunod na sasabihin nila. yung mga sarado ang utak, kumbaga.

7. hapi sa piling ng mga taong totoo at mapagpakumbaba. kalimitan naman ang taong mayabang at matapobre ay yung mga mangmang at maraming insecurities sa buhay.

Ang aking abakada:

A – Age: T6 – oo nga’t wala na sa kalendaryo, pero nakasulat pa rin sa BINGO
B – Band Listening To Right Now: Petra (Christian ROCK music) meron ding ROCK ang born-again, ano!
C – Career: sa bahay lang, pa-framing-framing at pakompyu-kompyuter — homebody husband nga e!
D – Drink or Smoke: hindi na pwede… nahihilo ako dahil may vertigo
E and F- Easiest Friends To Talk To: yung hindi binge, marunong makineg, yung walang bara o tulo ang tenga
G – Gummy Bears or Gummy Worms: ano ba ito? sige gummy bears na lang
H – Have a Boyfriend: hindi ‘nooo!!! lalakwe akwoooo…!
I – In love: oldataym basta si misis lang
J- Junk Food You Like: maneng may sili at bawang
K – Kids: wala…!!! hindi kami makabuo ng BATA, kaya nagpaparami na lang ng mga DAGA!
L – Longest Ride Ever: RTR Agusan to Butuan to Lake Mainit to Lipata Surigao to Tagum thru Digos Davao to Midsayap Cotabato walang stop (dyingel lang) — diridiritso (eka nga ni Pacquiao)

– nasan ang M? bakit walang eMMMMMM…!? 😡 sinong promotor nitoooo!?
N – Names For Your Future Kids: angkulet… ‘ala na nga e! basahin mo blog ko para malaman mo bawat pangalan ng mga DAGA ko. i-kilik mo ito.

O – One Wish You Have Now: PINOY bati-bati, magkaka-akbay at kilala ang tutuong Kristo na sinasabi sa Bible (koreksyon: hindi ako Iglesia ni K_ _ _ _ _, or “Dumating Doon” ano? at lalong hindi ako miyembro ng maski na anong kulto!)
P – Phobias: ipis na bigla na lang dadapo sa mukha ko sa gabi habang natutulog ako… yaaaiiiiks!!!
Q – Favorite Quote: “Hirit ng busog: dighay (dig-high) sa itaas, utot (dig-low) sa ibaba”. utot yung tinaguriang “mababa ang ubo”… ingat lang kayo mga guys… baka pag-ubo nyo e me sumamang sipon!
R – Reasons To Smile: ang aking misis, ang aking mga ka-DAGA-an, at ang mga ‘walang kapararakang’ pinagsasasabi natin (daw) dito sa mga blog ng WP

S – Sleeping Time: depende sa ingay ng mga DAGA
T – Time You Woke Up: pag nakatindig na si manoy dahil ihing-ihi na ako
U – Unknown Fact About You: dalawa itlog ko… ay ganun ba talaga? malay ko ba? yung akin lang ang nakikita ko eh, hindi akwo bakla anoh!?
V – Vegetable You Hate: wala… laman-tiyan din yan
W – Worst Habit: pangangalabit kay misis sa gabi maski hindi makabuo… 😆 oks lang…
X – X-rays You’ve Had: sa balls din paris ni maldito (e sa duon din e, baka isipin nyo nangopya lang ako). mahirap na baka may TB (tumaas-bumabang) itlog na ako
Y – Yummy Foods: maski ano… laman-tiyan din yan. pero sa tutuo lang yung Bicol Express. yung authentic na maanghang ha? yung “bicol express” habang kinakain, “bicol express” pa rin habang ini-ebs
Z – Zodiac Sign: virgin ako!

Walandyo, Kengks… pinuyat mo ako. pero tenkyu, miski papano nakilala nyo ako …masaya pala dito. 😆

pero nakngtete, pano pa ko makakapag-tag e mukhang na-tagged na yata ang buong mundo!? 😥 tag-nang buhay ‘to… hmp!

‘arooo… me nasiklot akong isa. ‘ere o: eloiski

Published in: on 4 November 2007 at 8:58 am  Comments (13)  
Tags: , , , ,