life support

( Lipat-lungga part 2 )

space-junk-thumb

“Bakal-bakal sa langit, tamaan pihong magagalit.”

(click thumbnail for bigger picture and author-website)

Kahit siguro sa elementari pa lang, itinuro na na among the planets and moons (satellites) of the solar system, Earth lang ang solong may kakayahang makapagsimula o mag-sustain ng life — livable, in short.

Kung posible man ang sinasabi ng mga siyentipiko na sa dinami-dami ng mga bituin (may kanya-kanyang ‘solar system’) sa kalawakan ay may mga planeta ring kawangis ng ating mundo, isang tirahan na maaari nating lipatan kung sakaling ang ating daigdig ay mag-comatose o maghingalo, w’eno ngayon?

Kalalayo… magkano kaya ang airfreight papunta ruon? Sa tagaaal na lang ng byahe, baka magka-space dementia pa, pagdating ruon ay malimutan mong earthling ka.

image copyright: http://science.nasa.gov/

See ol ewtdey powts

Published in: on 22 April 2009 at 11:00 am  Comments (3)  
Tags: ,

Lipat-lungga

DAgaIGDIG ko, akawntabol ako.

Sa mas pang-malawakang pananaw, pitong araw pa lang na nagsisimula ang tagsibol sa northern hemisphere (taliwas sa southern hemisphere, kung saan onset pa lang ng taglagas). Pero dito sa Pilipinas, ang papasok na Abril ay simula na ng tag-init o summer.

‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. Kaya naman maging ang limang kaHAMSTERan, Marso pa lang ay isa-isa nang nag-martsa pasilangan upang pansamantalang matakasan ang init na nararamdaman.

Eastward migration (Ikabod tower to Bebang Pension house) 😆

————————————————————————————————

The first five crossers and their ages, to date (26 Mar 2009) :

————————————————————————————————

Para kayang napakadaling lumipat, ano?

Naiinitan ka sa maghapon? Punta ka sa ilog or beach at magswimming ka… Kung kaya mo lang, mag-holiday ka sa Boracay o Palawan; kung hindi naman, magbakasyon ka sa mga kaibigan o kamag-anak sa Tagaytay o Baguio… Marami na ngang hindi lang ang taunang init ng panahon ang iniwasan kaya napilitan na rin lumipat na for good sa mas ‘malamig-lamig’ na bansa. Wala naman akong nakikitang kaso ruon kung talagang gusto o kailangan at kaya nila. 😉

Sana naman ay hindi dumating ang panahon na ang aking mga kadagaan ay mapilitang lumipat na sa planetang MAuRSe.

Eka ni Atmaus: “Ikaw, amo… may ‘malilipatan’ ka na ba?”

————————————————————————————————

Related posts: ewtdey-o-eyt