ispoklog

( Ang napalayong sekwel ng Ga-Ing )

Sa Baler, Aurora ito; Hindi ako kasama.
Venue ng women’s retreat ng local church nina misis, nito lang nagdaang Byernes at Sabado (Aug 16-17).

Tropical rainforest, rugged beach & coastline: May terrain ang lalawigang ito na types ko. At andami raw buko-nuts!

Neyboring-prabins lang.

Pasasaan ba’t mapupuntahan ko rin yan.

Linggo ng Wikang Pambansa ngayon kaya ko lang ipinagkit yang pikyur. Wala na itong kinalaman sa taytol at paksa ng post ko ngayon.

————————————————————————————————

( ispokening in tagalog )

renovated = renobeyted back to square one = baktuskwerwan

Ekanyo siguro:

“Bakit ba iyang si Hombadi e ganun magtrangsleyt translate ng english sa tagalog!?” 😕

Eto’ng ekako: click mo’to KUNtypes mo…

Pages: 1 2

Published in: on 19 August 2013 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

Garil sa ingles

Alam nyo ba mga ka-blog ko… minsan hindi ako mapakali pag katatapos ko lang mag-post ng isang write-up. Hindi naman dahil sa pinagsisisihan ko ang mga ideyang naisulat ko na – pinag-isipan ko naman muna bago ko i-post. (Kung sa mga “babelgam” posts lang, ay talagang sigurado ako dun, walang duda!)

Eto ang ibig kong tukuyin:

Nako-conscious kasi ako minsan sa english ko – baka may hindi angkop na salita, wrong spelling or grammar, tenses, subject-verb agreement, “mis-punctuation,” (tulad nito – ipapaloob ba o ilalabas ang comma sa quotation marks?) at marami pang ibang mistakes sa technical writing. Ang hirap talagang maging metikuloso! 😆

Pag binabalikan ko nga yung mga nakaraang posts, napapangiwi na lang ako sa sarili ko. Yung iba naiko-correct ko pa, yung iba hindi na. Pero klaro yun ha? ‘Technicalities’ lang sa writing ang ine-edit ko – wala akong binabago sa ideya ng mga naisulat ko na… Hindi ba nga’t “wala nang bawian?” Puwede siguro ang magdagdag ng errata, pero wala nang burahan.

Obyusli, pag sa English lang naman ako nagsusulat nangyayari ito.

“E bakit naman kasi kelangang magsulat ka pa sa English?” epal na naman ni “msgrin” :mrgreen: (babae ba o bading? – Ayaw kasi reveal identity nya, ‘kakainis! lols) stalker sa blog ko. 😆

Mga ka-blog, CLICK nyo ito.

Published in: on 19 August 2008 at 12:00 am  Comments (14)  
Tags: , , , , ,