Balik sa lungga

2007-02-08 (Isnohontas)

Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na bakasyon nitong nakaraang undas, ang inyong lingkod ay muling ipamumuhay ang kanyang ipinamumudmod na screen name o pangalan. “homebody” — salitang ingles na ang kahulugan ay isang taong mas piniling mamarati sa bahay. “hubby” — mula sa salitang ingles na “husband” — asawang lalaki, sa tagalog.

Ang pangunahing layunin ng PET BLOG na ito ay ang isalaysay ang kasaysayan ng aking mga alagang imported na daga na kung tagurian sa wikang ingles ay “hamster”. At dahil kakaunti naman, o maaaring ako lang ang Pinoy na nahihibang dito sapat upang magpakahirap pang igawa ng natatanging blog ang mga ito, minarapat kong sa simula’t-simula pa lang nang i-launch ang blog na ito ay sa wikang ingles ilapat ang pagsasalaysay nito.

Gayunpaman, bilang isang makabayang Pilipino na humahanga sa mga kaugalian at kulturang likas na maka-Pinoy, hindi po mapigilan ng inyong lingkod na hindi lumabas pa-minsan-minsan sa kanyang ‘lungga’ at makihalubilo sa mga usaping napapanahon sa tuwing sasapit ang anumang pagdiriwang o selebrasyon. Ang mga usaping ito ay mas lamang na nasusulat sa wikang Tagalog at matatagpuan sa katergoryang “Usapang Pinoy la-ang.”

Tapos na ang undas. Sa madaling salita, ang inyo pong lingkod ay muling mawawala sa sirkulasyon ng mga Tagalog WordPress.com bloggers dahil aking ibabalik sa ingles ang “interface language” sa general options ang blog na ito. Mananatiling bukas ang pinto ng blog na ito para sa lahat ngunit asahan nyong sa mga susunod na araw ay pawang mga daga na naman ang inyong masusumpungan.

Kaya mga friends, for the meantime, goodbye muna sa inyo… “PASS” nyo muna ako sa mga tag-ing gimik natin. Balik muna ko sa once-a-week posting schedule ko. Balik din muna akong Flickr at YouTube. Pag may pagkakataon, lagi akong papasyal sa mga blog nyo. Anyway nandyan lang naman sa sidebar ko ang mga pinto (links) na maghahatid sa akin papunta sa inyo.

Salamat higit sa lahat sa mga nag-comment (ang kukulit nyo 😀 eniway, I layk et…! tenkyu sa mga panakot-sa-daga na nangagsisulputan sa sidebar ko 😆 dyok onli!). Salamat din sa mga panay lang ang basa at tawa pero ayaw namang magsipag-comment (ang kukunat nyo…!) dahil miski papano nakatulong kayo sa pagtutulak, hindi ng shabu (tsk tsk tsk, bad yun, ha!), kundi ng mga post at blog ko pataas, dahilan upang maibandila ko ang mga mensaheng nais na iparating ko. I doubt it kung talagang binasa nyo! pero for your convenience, ginawa kong parating available ang dalawang post na ito sa sidebar ko.

Tengkyu mga friends:

Kengkay… hindi kita malilimutan habang ako’y nabubuhay… ikaw ang naging dahilan ng pagratsada papailanlang ng pito-pito at abakadabra ko…
Maldito salamat sa pagpapasakit mo sa tyan ko… parati kitang aalalahanin pag nalulungkot ako.
Jeckass maski hindi mo namamalayan, para akong dagang parating sisilip-silip mula sa mga imburnal ng kalye vente-siyete mo.
Paurong tuloy lang ang pagsulong ng buhay. tuloy lang sa pagsusulat. nawa’y masumpungan natin ang pinakamimithi ng lahat na isang plantsadong buhay.

Salamat sa inyo at paalam… I’ll be back on Christmas! 😉 hanggang sa muli… li… li… li… li… l… (echo yan)

…ooops ops ops! bago maglaho ang eko saun. gusto ko habol yung indi makitang blog:

Gasti… hehehe. sayang din yung hams-tartel…! akyen kelangan na bili mulami akwalyum! :mrgreen:

okidok! babay uli… li… li… li… li… l…

Published in: on 6 November 2007 at 12:00 am  Comments (7)  
Tags: , , , , , , ,