lq

Paano mo gustong mamatay?

Paano mo gustong malibeng?

itay..
ang morbid..

Anak, undas ngayon…
Ekyusabol ang ganyang
last qwestyuns.

Elabyureyt natin ○○ (click HERE!)

Published in: on 31 October 2017 at 11:50 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

burol

( anoder undasjalowin special )

Egus 8, pas-9:30 piyem: We’re doin the routine of locking the doors.
At dahil si misis ang huling nanggaling sa banyo (nasa labas ang CR namin sa 4th flr) ay sya na rin ang natokang magsara ng main door.

“Bakit ayaw ito sumara?”

Hindi mai-locked nang todo, kasi ayaw lumapat ang pinto.

“Mukang may naipit sa labas,” ekako.

Tiningnan ko — at nyay! iyang nasa pikyur nga ang nakita ko.

WARNING:

Graphic content WAG mo na kaya click!? → █

Published in: on 31 October 2015 at 3:00 am  Comments (1)  
Tags: , ,

bew

( undasjalowin powt )

Black ket sa 4th floor ↑ ↑ White ket sa suming-pul

Bew?

Anubayun, ha?

Bew-mants ageyn,

kaya malamig na naman ang simoy ng hangin.

O hindi ba? Ang tutuo nyan, magdadalawambu-wan ka nang makaririnig ng krismas karols. Sinakto ko lang ang post sa date na ito dahil ang gitnang-gitna ay memyang hatinggabi (Awoooooo!) 😯

!?

🙄

Hindi ka maniwala? Sige, kompyut natin:

Prom Sektembew 01 to Oktobew 31 = 61 deys;

prom Nobembew 01 to Desembew 31 = 61 deys!

Datmins,

der ar 122 bew-deys, ol-in-ol.

Ahehe…

Anggulo nyo talaga kausap! 😡

Tanung-tanung ka pa kasi. 😆

Obyus na ngang blak-en-wayt.

Pages: 1 2

Published in: on 31 October 2013 at 12:00 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

uds!

dsl, part 3

udds-&-ebens, part 2

“Da eyth maustori

( anader undasjalowin special )

Isang halusinalegori, ayon sa salaysay ni Senyor hAraboRAT →

[ Nangyari ito bago nya sinimulang hanapin ang sto-awey na anak …

… at masilayan ang dating nililiyag. 😯 ]

Huwag mo na basahin dahil KADIRI tudamaks, as in yucks! ( Don’t click )

Pages: 1 2

kuri-kuri

(anader undasjalowin special)

Ang iskal, ang iskal,

Mey bakal… baw.

Me death-tret sakin!

Gardemet!

Ang kill-joy mo ha?

Dyok lang yun…

Biro ba yun!? Dalawa beses

nya ako pinagbantaan!

E di…

“dyok-dyok”?

————————————————————————————————

Natatandaan nyo ba yung puttitat na inakala kong natutulog lang — yung nasa guwang ng pine tree nuong mga unang akyat ko last Pebrari? Until now, ang kanyang pagka-teggy ay isa pa ring big mysteri… Sino kaya ang pumaslang?

Wuups…

Inde ako ha?

Eto sya…

after 13 days → ← after 34 days

Baka ekako lapastangin ang kanyang bangkay: minabuti kong ayusin ang buryal (nitabunan).

Koking-site ng aking KAPE ang entrance ng kanyang katakumb. →

← Kalaunan, ang punong iyon ang naging mismomg bungad ng pinto ng kubol. Lumalagpak ang lupa galing dyan sa itaas kaya kelangan paderan. We have to cut down two ugats. 😦 ↓

Inda process, lumitaw mula hukay si kalansay →

Ngiyawoooooooooooo!!! 😯

Opkurs hindi si asney ang salarin…

Isa lang ang umaaming tortyurer sya ng pusa dito!

————————————————————————————————

kuripi kuretyurs 😆 sa Bispoks (PAGE 2)

Pages: 1 2

Da 4th maustori

( Amausendahaus 4.0 ) or ( fLURK, part 2 )

Parang bitin itong post pag walang litrato o bidyo kaya eto na lang… Sagot ito sa aking berdey pramis na sa undas na lang ako magpapakita ng latest pikyur. 😯 Awoooooooooooo!!!

Walang kababalaghan dyan — kabalbalan meron! “Kabalbalaghan” na madaling gawin thru teknolugi ng puto- at bidyo-editing! 😉

————————————————————————————————

Teaser lang ↑ yan… eto’ng ↓ talagang post ko:

Nabanggit ko last time na may isa pang kwento… Eto yun, in-omit ko muna yung key word para may suspense:

Istori 4Is der a __?__ maus in yur haus?

Oct 18, nung bumabagyo. Maghahating-gabi na. Nawalan ng kuryente, kaya punta ako sa kusina at nagsindi ng kandila… Balik ako sa sala at umupo sa kama (oo, may single bed sa sala)… Anuba itong lilipad-lipad sa loob ng bahay na nakita ko? Paru-paro?

Hindi ko maitsurahan, palibhasa, bukod sa blackout nga ay malabo na ang mata ko! Di inaninag ko ule… malaki!

Baka malaking paru-paro, o yung Attacus atlas moth na malimit sa mga puno ng santol? Pero hindi e… kasi iba kampay ng pakpak… saka maitim!

Aninag pa ule … 😯 nyayay!

Ay baket? Hanubayun!? CLICK you → DITO ←

Published in: on 30 October 2010 at 10:30 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , ,

hell-o-win

( SCHEDULED POST )

Last day ngayon — rehistrado na ba kayo?

Okey na yan, baka may mapikon pag may komiks uli eh… Saka na lang ako magpaskil ng tracts dito, siguro makatapos ang pasko. ‘Positive truths’ muna. Hapi halloday!

Pages: 1 2

Published in: on 31 October 2009 at 11:56 pm  Comments (1)  
Tags: , ,

hauMted

( Hamsdertaker, part 2 )

HBH = Haunted Bahay ng Hamster 😆 [ → Kiddy version ]

Naiinip si Doray… Nagyaya ng katropa para may makahunta sa undas. mouse-ismol

————————————————————————————————

Awo, awo, awo —

Awoooooooooooo…!!!

`Yaw ko na dito sa mansyon —

Nagmumurto yata’ng mga namayapang DAGA!

Hongah! Uwi na kami!

Multu? Hindi kaya —

komputer mouse lang yan!

————————————————————————————————

hammie-trio

Pages: 1 2

Awoooooooo!!!

Emultocons

Undas… biru-biruang takutan na naman… gulatan. 🙄 Awo–awo–awoooooooooooo!!! 😯

Isang kagila-gilalas na gimik ng ating modernisadong kapanahunan ay yung pagkainteres ng marami sa okultismo – mga matatawag na psychic or paranormal phenomena na pilit namang ini-esplika (kung hindi man pinasusubalian) ng makabagong kagamitang pangteknolohiya ng agham. (harudyoskupuu! tagalog na tagalog dumugo hang hilong ko!). 😥

Banggitin ko lang ang ilan:

Animismo. Paniniwala sa mga multo, mahika negra o blangka (black and white magic), aswang at mga maligno, duwende at higante, mambabarang o mangkukulam, agimat, anting-anting at kalmen o maski ano pang “good luck” charm; pagsangguni sa mga mananawas at arbularyo. Kasama na rito ang pagsamba, pagdadasal at pagnonobena sa mga santo at santang rebulto.

Spiritismo. Pakikipag-usap sa espirito ng mga patay (necromancy) thru séances ng isang spiritista o ‘medium’, ouija board, o spirit of the glass; Psychic surgery that is quite similar to faith-healing.

Eastern mysticism at new age movement. ESP o sixth sense, telepathy, telekinesis at clairvoyance; fortune-telling at divination; hypnotism, OOBE at astral projection; yoga at transcendental meditation; belief in reincarnation; “The god within me” o “I am a god” philosophy.

Satanismo. Nyay!

There’s a big difference between open-mindedness and permisiveness…  May tamang paraan ang mga misyonerong kristiano na ipinadadala sa mga tribo o saan mang lupalop ng mundo upang makitungo sa mga paniniwala ng mga taong hindi pa nakaririnig ng Ebanghelyo – hindi compromise (pangungunsinti o kabalingbingan), hindi ecumenism.*

*Ecumenism – The uniting of Christian denominations and world religions by dropping their differences for the sake of unity.

Pssst, mga kuyang at mga ateng… Hindi aprobado ng Diyos ang Christian Faith na hinaluan ng animismo-spiritismo-mystisismo.

Marami pa dito → Let Us Reason

Tuloy ka sa pinto ng haunted lungga… i-Kreeeek mo dito. ▓

Published in: on 31 October 2008 at 3:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , , , ,

On friends… and souls

Today is November 2, or what the ‘world’ celebrates as the All Souls’ Day. Take time to remember your ‘living’ friends and neighbors.

Idamay nyo na rin pati mga kaaway nyo…

You Forgot My Soul!

You lived next door to me for years,

We shared our dreams, our joys, our tears

A friend you were to me indeed

A friend who helped me in my need.

My faith in you was strong and true

We had such trust as would endure

No spats between us ever rose

Our friends were like — and so our foes.

What sadness then, my friend, to find

That after all, you weren’t so kind

The day my life on earth did end

I found you weren’t a faithful friend.

For all those years we spent on earth

You never talked of second birth

You never spoke of my soul

And of the Christ who’d make me whole.

I plead today from Hell’s cruel fire

And tell you now my last desire

You cannot do a thing for me

No words today my bonds to free.

But do not err, my friend, again

Do all you can for souls of men

Plead with them now quite earnestly

Lest they be cast in hell with me.

— anonymous

May mensahe ako para sa mga kulto (who speak love in lies)

Inuman ng mga ‘Patay’ ?

Undas na naman. Mga huling araw pa lang ng Oktubre e bising-bisi na ang buong ka-Pinoy-an sa paghahanda sa paggunita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Kinabukasan, unang araw ng Nobyembre, araw ng mga patay.

Araw nga ba ng mga “patay” …baka araw ng mga PATagAY? Pag ganitong mga panahon, hindi naman talaga ‘piyesta ng mga patay’ dahil mas nagdiriwang ang mga buhay. Pa’no nga ba naman magpipista o magdiriwang ang mga patay? Sa SINE lang uubra yun paris nung mga napapanuod kong mga pelikula na si Chiquito ang starring nung bata-bata pa ‘ko.

Gusto ko lang paalalahanan ang ilang mga kababayan ko na pinagkahintay-hintay ang araw na ito para ‘sumimple’ sa sementeryo. Mga p’re… ipinagbabawal ang pag-iinuman o pagdala man lang ng alak sa loob ng sementeryo! Sana naman eh huwag nating gawin ito hindi lamang dahil sa ipinagbabawal kundi dahil din sa pagmamalasakit natin sa ating kapwa at maging sa ating mga sarile. Kung gusto nyo naman, sa bahay na lang kayo mag-inuman. Pero sa tyan nyo lang ilalagay ang alak, ha? huwag sa ulo! At pag hindi na kaya, ay huwag nang pilitin pa. Isusuka nyo rin lang e bakit iinumin pa? Hindi naman kasi nasusukat ang pagkalalaki sa dami ng maiinom. At tunay nga bang lalake yung lumalakas lang ang loob pag nakakainom? Yang stainless na marka-dimonyo: nasa itaas lang naman si San Miguel Arkanghel nyan habang nakatindig pa yang bilog o kwadradong bote na tangan-tangan nyo. Pag nasaid nyo na ang laman nyan malamang nakatumba na yan at si ‘Taning’ na ang nasa itaas.

Mga bata pa kasi kayo — nanggaling na rin naman ako dyan noon… Ang kantyawan pa nga noon e “di baleng tumagal sa suso, huwag lang sa baso”… ambastos ba eka nyo? ewan ko basta gradweyt na ko dyan ngayon — pasang-awa pa nga eh… Balang araw maiintindihan nyo rin. Pero kung matanda na kayo at paramihan pa rin ng maiinom ang prinsipyo nyo, malamang tumatanda kayo nang paurong…

Pakinggan nyo na lang itong sabi ng lolo ni Ikabod:

O ‘di ba? Maigi na yung nag-iingat. Baka hindi pa man natatapos ang undas e, maihabol pa kayo sa ipagtitirik ng kandila! He he… kayo din. Di bale sana kung tiyak nyo na kung saan kayo papunta. Hindi problema ng isang dagâ kung saan sya ‘dadalhin ni Kamatayan’ oras na matigok sya, pero tayong mga tao? Kanino kaya sa dalawang karakter dyan sa bote ng ginebra tayo ipapasa ni Kamatayan? Ha…! dapat kayong mag-isip-isip… ipagtirik man kayo ng sanrekwang kandila, useless na rin…

Yang dagang si Ikabod e matagal na ring namayapa yan — at least sa komiks, pero hindi sa puso at diwa ng ilang mga taong tulad ko. Yan ang dagang bukod-tangi kong pinagkasubaybayan magmula nuong ako’y estudyante pa lang sa Los Baños. Pinagkatagu-tago ko pa ang news clipping na yan. Aba e kung kay Mickey Mouse o Robo Rat din lang, kay Ikabod na ako! Naibibida ko lang naman…

Napag-uusapan din lang yang dagâ at araw naman ngayon ng mga patay e me naisip lang akong itanong. Bakit kaya tayong mga Pinoy pag me naaamoy na mabaho e parati na lang amoy patay na dagâ ang sinasabi? Dagâ lang ba ang mabaho pag namamatay? Hindi naman ‘di ba? Maski anong patay naman tiyak na mangangamoy at babaho… maliban lang siguro ang patay na kuko… (sa kamay ha? hindi sa paa)

O ano, nag-iinuman na ba kayo? Kayo na lang ha? Pinagkatanda-tanduayan ko kasi nuon pa man ang pangako ko ke misis nu’ng mag-boypren pa lang kami na hin-gin na ko iinom, maski beer-bihira lang. Oo sige na, luma na nga ang dyok na yan… Ano? ako, ander? … hindi ah! lab ko lang si Misis…

Ibahin na nga lang natin ang usapan at baka kung saan lang tayo mapunta… ‘ala pa ba kayong pulutan dyan?

Alam nyo ba na dito sa amin sa probinsiya e hindi lang pusâ ang kumakain ng dagâ? Ginagawa itong pulutan pag may inuman! Koreksyon: inuman ng mga tao ha? hindi inuman ng mga pusâ… at yung dagâ ang pulutan, hindi ang pusâ! Ang gulo ba? Oks lang na-gets nyo naman, di ba? Pero lilinawin ko: yung mga dagang-bukid naman ha? hindi ang mga dagang-bahay o dagang estero! Tutuo yan mga p’re, dehins ako lasing o nagbibiro. Ang tawag pa nga nila dito ay STAR meat — binaligtad na RATS meat! Kaya nga pag may rat-hunting campaign sa mga bukid dito, mga buntot na lang ng dagâ ang binibilang kasi yun na lang ang natitira dahil pinagkuku-kuha na ang mga katawan.

Oebaket? Malinis naman ang dagang-bukid a dahil palay ang kinakain nito! Kayo din naman kumakain din ng palay, ipinakiskis nyo lang at isinaing. Mas malinis pa nga ang dagang-bukid kaysa sa baboy dahil hindi ito kumakain ng kaning baboy! Wala pang kolesterooooool!

Aba e kung ayaw nyong tumikim e di huwag nyo, magtiis kayong walang pulutan… he he he … nagsa-suggest lang naman. Dalawang bagay lang naman ang tinutumbok ko: Hindi lahat ng dagâ e marumi, at hindi komo kumakain ng dagâ e wala nang makaen!

Sige, mag-inuman na nga lang kayo. Sa bahay na lang ha! … para pag inantok, diretso nang tulog! Baka bangungutin lang kayo… kung ayaw nyo namang matulog agad e di okey lang din… basta huwag na lang kayong mag-kantyawan at baka magkapikunan pa kayo. Magpahulas na lang muna kayo… magkape kaya… huwag gatas at masamang ihalo sa alkohol yun — baka hindi na kayo magising…

Maiwan ko na kayo, hane? …pupunta akong sementeryo — mangangaral pa ako sa mga “patay”. Pagbulay-bulayan nyo yung mga ibinida ko. Itagay nyo na lang ako…

Pleasure deprives a man of his faculties quite as much as pain. – Plato
Comic strip credit: Ikabod Bubwit by (the late) Nonoy Marcelo

A Hamster Halloween special

A NOTE FOR THE READERS:

This is the first and last time I made such a video remix for my pets.  (I see nothing wrong about it) My concern of not offending anybody, particularly the conservative bigot or a person of the extremist-type (animal-welfare nazis), is the only reason that keep me from making this two-minute ‘teaser’ and showing it publicly in YouTube and in my blog.

If you have some superstitious beliefs, cultural biases or religious prejudices, DO NOT CLICK on that PLAY button — this video is not for your eyes to see.

To find out more about Berio, click on these: