keymbak

(kambaks,” pastëns )

Past 8 piyem when we came back home. Mahaba ang byahe promdi Haybolsite kaya ihing-ihi ako. Hindi maipagkakaila ang samyo habang tinatanggal ko ang kandado sa banyo. Masansang na ammonia na tila naburo ng mahabang panahong pagkakabilanggo sa loob ng arinola.

“May umihi sa banyo nung wala tayo,” napansin din ng misis ko.

————————————————————————————————

Hindi nyo naitatanong, maliban sa nag-iisang unit sa rooftop, nasa labas ang kanya-kanyang comfort room ng mga paupahang units ng building. Dinisenyo kasi ang gusali as commercial space.

Nakagawian ko nang i-padlock ang pinto ng aming CR sa tuwing aalis kami nang matagal. Sa loob kasi ng mahigit labindalawang taon (12 years) naming pagtira dito, hindi lang miminsan ang narinig kong reklamo ng mga naging kapitbahay ko nuon na nasa 2nd (mezzanine) and 3rd floors — na ginagawang public utility toilet ang CR nila pag sila’y wala. Tinatangay ang mga gamit; pati sabon at shampoo ay di pinatatawad. Nabubuksan maski naka-locked sa loob ang doorknob; kung hindi mabuksan, umiihi kahit sa pintuan.

There is a “second gate” before the stairs leading to 4th floor. Hangga’t maaari, hindi ko ito hinahayaang nakabuyangyang para hindi basta aakyat nang hindi kumakatok o tumatawag ang sinumang taga-labas na kyuryus lang kung ano ang nasa pribadong palapag namin at ng penthouse.

————————————————————————————————

Paluwas ng Manila ang misis ko nang madaling araw kinabukasan kaya in-inform na lang thru text messages ang aming next-door neighbor habang nasa bus sya. Baka lang kasi may napansin silang ibang tao (taga-labas) na umakyat sa 4th floor habang kami’y nasa Baguio, dahil ang pagkakaalam nami’y hindi yata sila umalis over the weekends.

While my wife was still in Angono waiting for the response the next day, I wrote the words on CR’s door just above the floor: “HINDI ITO IHIAN”. Winalis ko ang natuyong isbu sa pinto, pati ang umagos papasok sa sahig. Binuhusan ng tubig-ipinanlaba ang umaalingasaw na doormat na babad din ng ihi…

“May umihi dito habang wala kami,” I sighed to my neighbor… Hindi ko inaasahan ang sagot…

← Kopi-brek. Hindi IHI yan, pramis.

A memori kambaks to my mind [ personal, wag mo na usisain.]

For more of this 4th floor chorvahs, → CLICK HERE…

Published in: on 31 August 2012 at 4:39 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

kambaks

( Walang kinalaman sa katataposts na series of 1 kams & 2 baks. )

Bisi-bisihan me sa kaba-baluga kaya madalang ang pagba-blog; At dahil kokonti nga ang posts ay di magkaumayaw kung saan ilalagay ang ganito o ganuong topic. Dito na nga lang, between 13 & 31.

Two kambaks. I-split natin kaya passed muna tayo sa ating pikti-cious seryeng pang-aiufs, aush ba?

kambak 1kambak 2

↓ ↓

Pages: 1 2 3 4

Published in: on 22 August 2012 at 4:58 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , , ,