etneb

Alam nyo bang inabot ko yung panahon ng mga “pehips” (hippie), kung kelan usong-uso yung mga slang words na binabaligtad, tulad ng “haybol” (bahay), “erpats” at “ermats” (tatay at nanay), “dehins” (hindi) at kung nu-a-nu-a pa. 😆 Siguro naman gets nyo na ibig sabihin ng ating taytol… ayan nga’t may pikyur pa. 🙂 Astig!

————————————————————————————————

Ebun-flymate,

Anu tinutugpa ng powt na’to?

Weno, weno ba ngaun?

Egus, Egus 19!

————————————————————————————————

Kelan lang kasi naipakita sa akin ni misis yan. May bagong set ng currency bills pala, at yang bente pesos nga ang kauna-unahan kong nakita — huwag ekakong gagastusin dahil ii-scan ko muna…

[ Mahilig akong mag-archive ng iba’t-ibang documents, graphics atbp anik-anik… Eto’ng sang sampol (click mo) → lumang etneb Eto pa → barya ]

————————————————————————————————

Basta ako,

Susot pa rin sa sotneys-sod!

Sutsurotsot?

Anuyun ha?

Dos-syentos pesos!

AHA-HA-HA-HA! — “Sotneys-sod?”

Haynako… mamamatay ako sa kabag!

Galit ka pala,

Bakit ka tumatawa?

Oedi ba yun ang gusto nyo?

AHA… AHA-HA-HA!

Me tampo lang me ke asney!

Tawagin ba naman akong…

Gara-PowtaH!?

Garapata, manong…

Heh-eh-eh 😆 nilalaet mo kase kubol ni hambade!

Paka-matyur ka kasi, bata…

‘kaw na nga lang yoman-karakter dine!

————————————————————————————————

Tama ang pawwotAugust 19 ngayon… Remind yu lang. 😉

Published in: on 19 August 2011 at 8:19 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

Garil sa ingles

Alam nyo ba mga ka-blog ko… minsan hindi ako mapakali pag katatapos ko lang mag-post ng isang write-up. Hindi naman dahil sa pinagsisisihan ko ang mga ideyang naisulat ko na – pinag-isipan ko naman muna bago ko i-post. (Kung sa mga “babelgam” posts lang, ay talagang sigurado ako dun, walang duda!)

Eto ang ibig kong tukuyin:

Nako-conscious kasi ako minsan sa english ko – baka may hindi angkop na salita, wrong spelling or grammar, tenses, subject-verb agreement, “mis-punctuation,” (tulad nito – ipapaloob ba o ilalabas ang comma sa quotation marks?) at marami pang ibang mistakes sa technical writing. Ang hirap talagang maging metikuloso! 😆

Pag binabalikan ko nga yung mga nakaraang posts, napapangiwi na lang ako sa sarili ko. Yung iba naiko-correct ko pa, yung iba hindi na. Pero klaro yun ha? ‘Technicalities’ lang sa writing ang ine-edit ko – wala akong binabago sa ideya ng mga naisulat ko na… Hindi ba nga’t “wala nang bawian?” Puwede siguro ang magdagdag ng errata, pero wala nang burahan.

Obyusli, pag sa English lang naman ako nagsusulat nangyayari ito.

“E bakit naman kasi kelangang magsulat ka pa sa English?” epal na naman ni “msgrin” :mrgreen: (babae ba o bading? – Ayaw kasi reveal identity nya, ‘kakainis! lols) stalker sa blog ko. 😆

Mga ka-blog, CLICK nyo ito.

Published in: on 19 August 2008 at 12:00 am  Comments (14)  
Tags: , , , , ,