LIFE

Copyright © GIFTofGOD @ facebook.com

Published in: on 21 April 2019 at 12:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

saved

Pag namatay KA, pagkatapos nun, ano?


NOTE: Click the red-highlighted text to check the online Bible, and the Bible icon or the smaller cross graphics below to see the passage in the King James version. Iyang blue text (as usual) ay ini-link ko naman for more details sa ibang posts ng blog na ito.

Bago sagutin yang tanong, suriin muna natin kung sa ano yari ka.
Alam mo ba na may tatlo kang kalikasan?
Hindi lang ikaw kundi pati ako at siya; LAHAT ng tao may ‘threefold nature’ (everyone a ‘tri-part being’) — body, soul, spirit.

1. Body (soma katawang lupa)
Ito lang ang pinaniniwalaan ng na-over sa pagiging pragmatic o scientific na atheists. Sa kabila ng pagkadami-daming alam, hindi nila alam na meron din silang soul at spirit.

2. Soul (psyche kaluluwa)
Yang una at itong pangalawa lang ang alam ng nakararami. Ang karaniwang paniwala kase ay pareho lang ang soul at spirit: “Multo” (eka nila) ng mga sumakabilang-buhay o yumao. Or, pag sinabing espirito, ang naiisip agad ay mga engkanto. 😳
Dahil sa kaluluwa, may kamalayan (consciousness) ang katawang-lupa. Pag namatay ka, kakalas ang kaluluwa mo sayong katawan: Patay ang katawan mo, pero conscious pa rin ang iyong kaluluwa.

3. Spirit (pneuma espirito)
Ang espirito ng tao ay galing sa Diyos na Maylikha, at ito ang nagbibigay-buhay sa otherwise ay ‘spiritually unconscious’ nating kaluluwa.

Pag namatay ka, babawiin ng Diyos ang espirito, ang katawang-lupa mo naman ay babalik sa alabok.

“ … and the dust returns to the earth as it was,
and the spirit returns to God who gave it.”

(Ecclesiastes 12:7)

Ang iyong kaluluwa ay maghihintay hanggang sa mga huling araw upang duon mahatulan sa Paghuhukom. Ang magiging eternal destination ng iyong kaluluwa ay depende sa desisyon mo nuong nabubuhay ka pa:
— Kung pinagsisihan mo ang lahat mong kasalanan, kung naniwala ka nang buong-puso na namatay si Kristo upang tubusin ka sa iyong pagkakasala, kung tinanggap mo Sya bilang tanging personal mong Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay, pupunta ang kaluluwa mo sa Langit sa piling ng Diyos sa Buhay na walang-hanggan.
— Kung hindi mo ginawa yan, ang tungo ng kaluluwa mo ay sa walang-katapusang Kamatayan (Impyerno).
Heaven or Hell lang: Hindi tutuong may purgatoryo.

TANDAAN: Nasa kaluluwa ang ating kamalayan. Ang katawang-lupa, nabubulok at naaagnas; Ang kaluluwa, hindi… Ang ating kaluluwa ang nais na iligtas ni Kristo kumbakit hinarap Niya ang kamatayan sa krus ng Kalbaryo.

“ For, ‘Yet a little while,
and the coming one will come and will not delay;
but my righteous one shall live by faith,
and if he shrinks back,
my soul has no pleasure in him.’
But we are not of those who shrink back and are destroyed, but of those who have faith and preserve their souls.”

(Hebrews 10:37-39)


Hindi po tayo nananakot dito.
Sine-
share lang natin ang sinasabi sa Bible.

“ Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

(Juan 3:16)

Mahal ka ng Diyos kaya nagkatawang-tao Sya bilang si Hesus (ang Kristo Manunubos) para bigyan ka ng pagkakataong maligtas sa kamatayang parusa sa iyong mga kasalanan. Ano ang ibig sabihin nito?
Sapul nuong maliit ka pa, binigyan ka ng Diyos ng kunsensya para maintindihan mo kung ano ang tama at ang mali. Alam mo, halimbawa, na masama ang magsinungaling, magnakaw, mandaya, etc… Sa pakikisalamuha mo sayong paligid (pamilya, kalaro o kapitbahay, eskuwela, trabaho, atbp), patuloy na iniuukit ng Diyos sa isip at puso mo ang tamang landas datapuwa’t malaya kang magdesisyon kung susundin mo Sya o gagawin ang gusto mong gawin na taliwas sa utos Nya. Sa bawat paggawa mo ng kasalanan, mas pinipili mo ang maling landas. Sabi sa Bible:

“ Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling — ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.” (Pahayag 21:8)

Patas at makatarungan ang Diyos, at dahil Sya ay isang hukom, obligado Syang parusahan ang gumagawa ng kasalanan:

“ Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.” (1 Corinto 6:9-10)

May kinasuklaman ka na ba? May hinamak ka na bang tao? Sabi sa Bible:

“ Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.” (Mateo 5:21-22)

Maaaring tapat ka sa asawa mo at hindi ka ekamo nangangaliwa. Pero sa Bible, sinabi din mismo ni Hesus:

“ Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.” (Mateo 5:27-28)

Nagkakasala ka din (hindi lang ganyan, at malamang madami pa) kaya dapat ka ring parusahan. Pero mahal ka ng Diyos. Nilalang ka Nya, ayon sa wangis Nya. At dahil ayaw ka Nyang mapahamak, gumawa Sya ng paraan.
Nagkatawang-tao ang Diyos bilang si Hesus. Ipinanganak Sya at namuhay na parang tayo din, pero perpekto ang Kanyang naging buhay. Hindi Sya nagkasala kahit minsan. Hindi Sya gumawa ni kahit isa lang na masamang bagay at hindi Sya bumigay sa tukso. Sa kabila ng lahat, inusig Sya ng mga tao. Pinahirapan sya (tortured) at pinatay (executed) sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

“ Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan,
pinagaling niya ang ating mga karamdaman.
Subalit inakala nating iyo’y parusa ng Diyos sa kanya.
Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.”

(Isaias 53:4-6)

Oo, ipinahintulot Nyang mangyari ito dahil sayo. Ikaw ang dapat parusahan ng Diyos, pero si Hesus ang siningil ng Diyos at pinarusahan sa lahat ng kasalanan mo. Inilagay ng Diyos kay Hesus ang lahat ng Kanyang ngitngit sa kasalanan ng sanlibutan (kasama KA dito) — si Hesus na walang kasalanan ay namatay para SAYO.

“ Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”

(Roma 6:23)

Dahil binayaran na ni Hesus ang utang mo, malaya ka na sa pagkakautang at wala ka nang dapat bayaran. Pero mapapasaiyo lang ang kaloob na walang-hanggang buhay kung gagawin mo ang Kanyang kundisyon na nabasa na natin.

Its YOUR decision now:
Confess your sins to God and repent! Turn from your old selfish ways. Accept the resurrected Christ Jesus as your only personal Savior and Lord of your life.

You may say something like this, in your own words. With all your heart, pray to God:

“ Panginoon, ako’y isang taong nagkakasala. Patawarin mo ako. Salamat po sa buhay na iyong inialay para sa aking kaligtasan. Salamat, pinatawad mo ako. Sa tulong mo, tinatalikdan ko ang aking mga kasalanan at susunod sa kalooban mo. Gawin mo akong tapat na lingkod upang maibahagi sa aking kapwa ang inyong pagmamahal at mensahe ng kaligtasan. Ito ang aking samo at dalangin, sa pangalan ni Hesus. Amen.”


Continue reading and studying your Bible.
God bless you,
kapatid.

Published in: on 30 March 2018 at 3:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , , , , ,

On friends… and souls

Today is November 2, or what the ‘world’ celebrates as the All Souls’ Day. Take time to remember your ‘living’ friends and neighbors.

Idamay nyo na rin pati mga kaaway nyo…

You Forgot My Soul!

You lived next door to me for years,

We shared our dreams, our joys, our tears

A friend you were to me indeed

A friend who helped me in my need.

My faith in you was strong and true

We had such trust as would endure

No spats between us ever rose

Our friends were like — and so our foes.

What sadness then, my friend, to find

That after all, you weren’t so kind

The day my life on earth did end

I found you weren’t a faithful friend.

For all those years we spent on earth

You never talked of second birth

You never spoke of my soul

And of the Christ who’d make me whole.

I plead today from Hell’s cruel fire

And tell you now my last desire

You cannot do a thing for me

No words today my bonds to free.

But do not err, my friend, again

Do all you can for souls of men

Plead with them now quite earnestly

Lest they be cast in hell with me.

— anonymous

May mensahe ako para sa mga kulto (who speak love in lies)

On births … and deaths

Today is what the ‘world’ celebrates as the All Saints’ Day. Pinoys popularly call it Undas, Araw ng mga patay, Pista ng mga patay, or — as our older folks refer to it — by its spanish equivalent Todos los Santos. Bugtong, or riddles, usually abound during these times when I was young.

Now… before you die (I hope it won’t be soon enough so that you will be given ample time on this — ), I want to leave you a two-millennium-old paradox(?), or ‘riddle’ for you to ponder upon.

Have you heard about this:

  • ONE birth, TWO deaths ?
  • TWO births, ONE death ?

This, in fact, is not just a riddle — these two are your only options. And if you are living at these times, well-informed enough to use a computer and browse or surf the internet, even if you do not make a choice, you are left stuck at the first option.

Hamsters, or any animals, have only ONE birth, ONE death; but each person (that includes you) — unless he or she is a faithful believer of and will be caught up in the ‘Blessed Hope’ (in which case there is TWO births and NO death) — has to ‘pick’ one out of the two choices. I am not scaring you. This is not a threat, only a warning. There is nothing new in it and my only basis is the Scriptures. I have to tell you that the faithful believers I am referring to above have chosen the second option. If you want to know more, you can post your questions to me as a comment. I will answer your questions via your e-mail.

Or if you prefer, you can just click on the links below and ask me about it later.