After 8, seven ule?

Hindi ako ang nag-KODAK ng KOKAK na ire.

Ipuwera na natin ang tresedose, at onse… magsimula na lang tayo sa usual na countdown:

10987 … 🙄

Bakit nga ba pababa yata? Premonisyon ba ito na ako’y bumabalik sa pagkabata? Huwag you seryosohin… 😆 – “stinger” laang iyan!

Pagkalipas ng mahigit walong buwan – ng aking ‘kaunaunahang tag’ – ako ay muling na-seven-tag.

Ito pong ngayon ay tag ni yeye… Pepengol sana ako, sasabihin ko:

Hehe… klasmeyt, meron na ako nyan (beeeh!) – Eto o, click you:

‘kauna-unahang tag.’

Pero naisip ko maikli lang naman ito… Kaya lang naman napahaba yung una ay dahil sa madyik word na Abakadabra! … Saka pers taym lang naman akong ma-tag nitong si klasmeyt ko! 😉

Okey… ni-pwesto ko na lang on this month para at least nine months from the first tag (para paakyat ule ang bilang) … saka et-et-et ngayon (08-08-08) 😆 – baka sakaling swertihin! (jokes)

Pero teka sandali, may naalala ako sa “et-et-et” na yan…

Tag-ulan ngayon… Dito sa likod ng building namin ay may malawak na bukid sa di kalayuan. Sarap matulog sa gabi pag katatapos ng ulan. ‘eka ng mga PALAKA:

“Et, et… Et, et, et… Et, et…”

Ahehe… wala akong bastos na ibig sabihin dyan! 😕 Ay sa ganyan ang pagkakarinig ko! 😆

May kanya-kanya tayong RINIG dyan eh… Sa mga Pinoy, ganito kasimple lang:

KokakKOKAK…”

Sa mga kano, ganire daw:

RibidRIBID…”

Mat tutyal yung dinig nung 5-year old nuon na pamangkin ni misis:

FrogekFROGek…”

“O sya, sya… 😕 nasan na ang tag?”

Opo… CLICKokak! mo ITO.

Published in: on 8 August 2008 at 8:08 am  Comments (8)  
Tags: , , , , , ,

Ang pito-pito at abakadabra ni homebodyhubby

Nangaluluwa ako sa blog ni Kengkay nung undas, ayun ni-tag tuloy ako… yari ako. (sabi ko na, sana nagpunta na lang akong sentemeryo hehehe.)

Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

The 7 Facts about Robert (homebodyhubby):

1. ipinaglihi ako ng nanay ko kay Leonardo ‘da Bingchi’, kaya may pagka-artistic ako. artistic, sa tagalog ‘maarte’.

2. metikuloso ako at perpeksyonista dahil naniniwala akong ang perpeksyon ay kung ano ang abot-kaya mong gawin.

3. pag nasa katwiran talagang lumalaban, maski magkahambalusan.

4. madaling kausapin huwag lang kukulit-kulitin.

5. may takot sa Diyos …at kay misis (love ko kasi eh).

6. imbyerna sa mga plastic at masyadong magpa-glamour. dun sa mga ipokrito at mapagmataas na hindi marunong makinig kapag nakikipag-usap dahil ang parating iniintindi ay yung susunod na sasabihin nila. yung mga sarado ang utak, kumbaga.

7. hapi sa piling ng mga taong totoo at mapagpakumbaba. kalimitan naman ang taong mayabang at matapobre ay yung mga mangmang at maraming insecurities sa buhay.

Ang aking abakada:

A – Age: T6 – oo nga’t wala na sa kalendaryo, pero nakasulat pa rin sa BINGO
B – Band Listening To Right Now: Petra (Christian ROCK music) meron ding ROCK ang born-again, ano!
C – Career: sa bahay lang, pa-framing-framing at pakompyu-kompyuter — homebody husband nga e!
D – Drink or Smoke: hindi na pwede… nahihilo ako dahil may vertigo
E and F- Easiest Friends To Talk To: yung hindi binge, marunong makineg, yung walang bara o tulo ang tenga
G – Gummy Bears or Gummy Worms: ano ba ito? sige gummy bears na lang
H – Have a Boyfriend: hindi ‘nooo!!! lalakwe akwoooo…!
I – In love: oldataym basta si misis lang
J- Junk Food You Like: maneng may sili at bawang
K – Kids: wala…!!! hindi kami makabuo ng BATA, kaya nagpaparami na lang ng mga DAGA!
L – Longest Ride Ever: RTR Agusan to Butuan to Lake Mainit to Lipata Surigao to Tagum thru Digos Davao to Midsayap Cotabato walang stop (dyingel lang) — diridiritso (eka nga ni Pacquiao)

– nasan ang M? bakit walang eMMMMMM…!? 😡 sinong promotor nitoooo!?
N – Names For Your Future Kids: angkulet… ‘ala na nga e! basahin mo blog ko para malaman mo bawat pangalan ng mga DAGA ko. i-kilik mo ito.

O – One Wish You Have Now: PINOY bati-bati, magkaka-akbay at kilala ang tutuong Kristo na sinasabi sa Bible (koreksyon: hindi ako Iglesia ni K_ _ _ _ _, or “Dumating Doon” ano? at lalong hindi ako miyembro ng maski na anong kulto!)
P – Phobias: ipis na bigla na lang dadapo sa mukha ko sa gabi habang natutulog ako… yaaaiiiiks!!!
Q – Favorite Quote: “Hirit ng busog: dighay (dig-high) sa itaas, utot (dig-low) sa ibaba”. utot yung tinaguriang “mababa ang ubo”… ingat lang kayo mga guys… baka pag-ubo nyo e me sumamang sipon!
R – Reasons To Smile: ang aking misis, ang aking mga ka-DAGA-an, at ang mga ‘walang kapararakang’ pinagsasasabi natin (daw) dito sa mga blog ng WP

S – Sleeping Time: depende sa ingay ng mga DAGA
T – Time You Woke Up: pag nakatindig na si manoy dahil ihing-ihi na ako
U – Unknown Fact About You: dalawa itlog ko… ay ganun ba talaga? malay ko ba? yung akin lang ang nakikita ko eh, hindi akwo bakla anoh!?
V – Vegetable You Hate: wala… laman-tiyan din yan
W – Worst Habit: pangangalabit kay misis sa gabi maski hindi makabuo… 😆 oks lang…
X – X-rays You’ve Had: sa balls din paris ni maldito (e sa duon din e, baka isipin nyo nangopya lang ako). mahirap na baka may TB (tumaas-bumabang) itlog na ako
Y – Yummy Foods: maski ano… laman-tiyan din yan. pero sa tutuo lang yung Bicol Express. yung authentic na maanghang ha? yung “bicol express” habang kinakain, “bicol express” pa rin habang ini-ebs
Z – Zodiac Sign: virgin ako!

Walandyo, Kengks… pinuyat mo ako. pero tenkyu, miski papano nakilala nyo ako …masaya pala dito. 😆

pero nakngtete, pano pa ko makakapag-tag e mukhang na-tagged na yata ang buong mundo!? 😥 tag-nang buhay ‘to… hmp!

‘arooo… me nasiklot akong isa. ‘ere o: eloiski

Published in: on 4 November 2007 at 8:58 am  Comments (13)  
Tags: , , , ,