s-n

Ikaw ba’y isang WIFE na sa tuwing magsusulat ng iyong full name ay pilit na isinisingit ang iyong surname nung ika’y dalaga pa? Alin dito ang tutuo sayo?

Mahal mo ang tatay mo, and you are proud that you are still his daughter kahit ika’y nag-asawa na kaya dini-display mo pa rin (even as secondary na lang) ang kanyang apelyido.

Kahit love na love mo ang naging mister mo, ansagwang pakinggan ng apelyido nito. Mas me glamour ang ‘dating’ pag ilalagay sa gitna ang maiden name mo.

“Kilala” at tanyag ang angkan ng tatay mo.
Lahi sila ng mga abugado, doktor, arkitekto, engineer, artista o politician. Samantalang ang angkan ng naging mister mo e “wala lang” or hindi ganun kagaleng kumpara sa angkan nyo.

Baka nga in-OMIT mo na totally ang apelyido ng husband mo, as in parang nung dalaga ka pa? Pedeng meron kang dahilan — job employment poreksampol, kase single ang gusto ng employer (ewan ko lang kung reasonable nga bang magsinungaleng)…

Pero kung hindi yan ang reason —

… siguro talagang hindi ka lang impressed sa diskarte at abilidad ng naging mister mo?

Pakasuriin mo ang puso mo, iha… May daughters na over kung mag-idolized ng tatay kase “may problema” pala sila sa kanilang NANAY.

——————————————————————————————————————————————

Pakisabi sa mapalad mong TATAY
Happy Father’s Day

Published in: on 18 June 2017 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

m-n

Ikaw ba’y isang ANAK na sa tuwing magsusulat ng iyong full name ay pilit na isinasama ang iyong middle name — or ang apelyido ng nanay mo? Alin dito ang tutuo sayo?

Mahal mo ang nanay at tatay mo, at proud kang ipagsigawan na ika’y bunga nilang pareho.

Masyadong maiksi o di-glamorosong pakinggan kung given name + surname mo lang. Mas maganda ang rhyming pag ilalagay sa gitna ang apelyido ng nanay mo, o kahit unang letra lang nito (middle initial mo).

Mas “kilala” at tanyag ang angkan ng nanay mo.
Lahi sila ng mga abugado, doktor, arkitekto, engineer, artista o politician. Ang angkan ng tatay mo e “wala lang”…

Baka nga in-OMIT mo na nang tuluyan ang apelyido mo?
Pedeng for legal reasons (poreksampol: immigration purposes kase relatives ng nanay mo ang foreign citizens) which may be valid…

Pero kung hinde —

… siguro hindi kayo “in good terms” ng TATAY mo?

——————————————————————————————————————————————

Pakisabi sa mapalad mong NANAY
Happy Mother’s Day…

Published in: on 14 May 2017 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags: , ,