Iswalowaloba

?? 🙄 ??

Pssst… memya ka na mag-isip uli kong saan ko nahagilap ang taytol na yan. Tinginin mo muna ‘tong dalawang naipasa sa akin this week:

Candle of love, hope and friendship galing kay klasmeyt! 😀 Yeheyey!

Smile award galing kay bluedreamer! 😎 Basta asul, kewl!

Ano nga ba ang mga dahilan at hindi mapuknat sa aking mukha ang isang nagliliwanag na ngiti? Walo ang maibibigay ko, walong alaala at kaganapan sa loob at labas ng blog nitong nakaraang linggo. CLICK here. ◙

After 8, seven ule?

Hindi ako ang nag-KODAK ng KOKAK na ire.

Ipuwera na natin ang tresedose, at onse… magsimula na lang tayo sa usual na countdown:

10987 … 🙄

Bakit nga ba pababa yata? Premonisyon ba ito na ako’y bumabalik sa pagkabata? Huwag you seryosohin… 😆 – “stinger” laang iyan!

Pagkalipas ng mahigit walong buwan – ng aking ‘kaunaunahang tag’ – ako ay muling na-seven-tag.

Ito pong ngayon ay tag ni yeye… Pepengol sana ako, sasabihin ko:

Hehe… klasmeyt, meron na ako nyan (beeeh!) – Eto o, click you:

‘kauna-unahang tag.’

Pero naisip ko maikli lang naman ito… Kaya lang naman napahaba yung una ay dahil sa madyik word na Abakadabra! … Saka pers taym lang naman akong ma-tag nitong si klasmeyt ko! 😉

Okey… ni-pwesto ko na lang on this month para at least nine months from the first tag (para paakyat ule ang bilang) … saka et-et-et ngayon (08-08-08) 😆 – baka sakaling swertihin! (jokes)

Pero teka sandali, may naalala ako sa “et-et-et” na yan…

Tag-ulan ngayon… Dito sa likod ng building namin ay may malawak na bukid sa di kalayuan. Sarap matulog sa gabi pag katatapos ng ulan. ‘eka ng mga PALAKA:

“Et, et… Et, et, et… Et, et…”

Ahehe… wala akong bastos na ibig sabihin dyan! 😕 Ay sa ganyan ang pagkakarinig ko! 😆

May kanya-kanya tayong RINIG dyan eh… Sa mga Pinoy, ganito kasimple lang:

KokakKOKAK…”

Sa mga kano, ganire daw:

RibidRIBID…”

Mat tutyal yung dinig nung 5-year old nuon na pamangkin ni misis:

FrogekFROGek…”

“O sya, sya… 😕 nasan na ang tag?”

Opo… CLICKokak! mo ITO.

Published in: on 8 August 2008 at 8:08 am  Comments (8)  
Tags: , , , , , ,

Ayyy, dagaaaa!!!

Naalala ko lang yung isang bigotilyo, balbas-sarado at malaki at balbuning mama na bisita dito nuon. May rat-hunting campaign kami sa experimental field ng PhilRice. Nung ni-flame-thrower yung lungga para maglabasan ang mga daga, may napadaang isa sa may paanan nya, napasigaw ng:

Ayyy, dagwaaaa!!!”

Hindi naman bading, may phobia lang daw siya sa daga… Naalala ko din tuloy yung malaking negrong mama sa sineng napanood ko — The Green Mile. “Weird?” … Yes, another fictional character — maybe too good to be true … Heniwey.

Ilan kaya sa mga dagang ito ang kilala nyo? Tiyak, mas marami kayong kilala, mas matanda na kayo. (Balistad yata? Dapat pag bata ka nga, mas marami kang alam na kartuns!)

Daga 1Daga 2

Daga 3Daga 4

Daga 5Daga 6

Daga 7Daga 8

Sige… hulaan nyo nga? Yung sagot, nasa dulong baba uli mamaya — sasabihin sa inyo nung isang PINOY na nagprisintang maging assistant ko dito. Mamayaaaa!

February 7 ngayon, wala ba kayong nalilimutan?

“Bakit? what’s so special today?” eka nyo siguro.

“Kung hay fat choy!”

“Ano kamo? Lalo ko yatang hindi naintindihan!”

“Kung matangkad at mataba lang ang misis ko (Kung height fat Choi) —

siguro ander ako!” (joke lang) 😆

Hindi naman ganun kalaki si misis ano? Chubby lang… at saka pabago-bago din. Kaya nga ang bati ko minsan sa kanya —

“Ang taba mo yata ngayong araw na ito?” O kaya “Ang seksi mo ngayon a?” — sabay kindat. 😉

“Korni mo Robert! … ano ngaaaa???”

Okey, okey… Kung hay fat choy!” — meaning, “May you prosper!” This year, today — February 7, is the start of the Chinese New Year.

Pak intsik, siyempule huwak mo kalimot ang mulami swelte. Di ba ang isang common expression ng “May you prosper!” ay “Good luck!”

TULOY or NOT tuloy? anHABA pa ito! CLICK MO DITO